rmagt_18 wrote:
Eto na po siguro ang tamang panahon na mag-retire na sa boxing ang ating pambansang kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao; sa katatapos na laban against keith Thurman, makikita sa middle at later rounds ng laban ay nababawasan o nawawala na ung dati niyang bilis at madali na siyang mapagod..iba na ang pacquiao ngaun kumpara sa pacquiao na nakikita nating lumalaban 10 years ago…he is not getting any younger … at sana huwag na niyang hintayin pa na mahiga ulit sa lona ng boxing ring bago niya sabihing mag-quit na sa boxing…at sana huwag na siyang magpapasul-sol o magpadala sa mga nakapaligid sa kanya na lumaban pa ulit…kung gusto pa niyang maging healthy at mag-serve ng maayos sa bayang Pilipinas ay dapat pag-isipan na niya ngaun ang pagre-retiro sa boxing…Wala na siyang dapat patunayan pa..nakuha na niya ang malalaking achievements sa boxing na di basta mapapantayan ng mga ibang mga sikat o magagaling na boxers internationally… isa kang living boxing legend Manny “Pacman” Pacquiao...hindi lang niyo itinaas ang bansang Pilipilinas sa Boxing World kundi sobra pang karangalan ang naibigay niyo sa bayan natin… kaya it’s about time na po to hang your boxing gloves… Mabuhay ka Manny “Pacman” Pacquiao and God Bless..

Agree ako sa 'yo bro. Sa edad na 40, natural na malaki na ang nabawas sa lakas, liksi at resistensiya ni Manny. Given na 'yun. Kahit sa mga basketball players, pagsapit sa idad na 36 ay bawas na ang mga dating katangian bilang mahusay na manlalaro. Manny's diminished reflexes was obvious in his Thurman fight. Tinamaan siya ng simpleng jabs at right straights na parang hindi niya nakitang dumarating. Sa mga press releases ng mga ensayo niya ipinakikita na halos hindi siya napapagod at inaawat lang siya ng kaniyang mga trainers. Pero iba na nang nasa laban na siya kasi ibinuhos niya lahat ng lakas niya para mapatumba o mapatulog niya si Thurman mula una hanggang ika-anim na rounds pero dahil bata pa at matibay si One Time, nabigo si Manny. Isa pang nakapagpahina kay Pac, bukod sa idad niya ay ang malalakas na suntok na ipinadapo sa kaniya ni Keith. Ang kahanga hanga lang ay tinanggap niya lahat ang mga suntok na 'yun na hindi siya nahilo o bumagsak. Pero ang tanong, in the long run na tumanda na siya, hindi kaya lalabas ang epekto ng mga suntok na 'yun? God forbids.
Palagay ko, hind titigil si Manny hanggat hindi niya muling dadanasin ang KO na nalasap niya kay Marquez. Hindi ako naniniwala na hindi premyo ang isa sa mga dahilan. Biruin mo , pagkatapos ng 48 minuto sa ibabaw ng lona ay million $ o billion peso ang kikitain 'nya. Bukod sa pamilya, madamng tao ang tinutulungan 'nya - mga mahihirap na constituents at mga kasamahan niya sa kampo. Ewan ko kung mali ako, parang hindi ko nabasa na hinimok siya ni Buboy na magretire. Sa palagay ko, ang mga nakapaligid sa kaniya ay lihim na nagnanais na magpatuloy pa siya sa boksing para kumita din sila.Pag tumigil na si Manny, gutom aabutin nila. Sina Jinkee at Aleng Dionisia, parang nagsawa na din na sabihan siyang magretire o nasisilaw na din sa malalaking premyo na nakukuha ni Manny.
Siguro, dahil sa pagka relihiyoso ni Manny ay ang Panginoong Diyos na lang ang makapipigil sa kaniya kung magpapakita Ito sa panaginip sa kaniya. Pero by that time ( God forbids again ) baka huli na ang lahat. Ang mga palatandaan ng naging sakit ni Muhammad Ali ay nararamdaman na niya at iyan ang ayaw nating mangyari sa kaniya. Kaya idol, sana pagisipan mong mabuti ang lahat ng ito.Salamat at muli binabati kita sa iyong tagumpay laban kay Keith " One Time " Thurman.

Siya nga pala, parang si Freddie Roach lang ang nababasa kong gusto nang magretire si Manny. Pero bakit siya, may Parkinson at matanda na din ay ayaw pa ding huminto sa pagka trainer? Dahil ba sa mahal din niya ang propesiyon 'nya? O dahil sa kinikitang salapi? Just my 2 cents.
