Pacland's Philippine Boxing Forum

Discussion on boxing and other sports, Filipino greats and anything under the sun.
It is currently Sun Dec 21, 2014 1:56 am

All times are UTC + 8 hours




Post new topic Reply to topic  [ 2 posts ] 
Author Message
PostPosted: Thu Oct 04, 2012 8:56 am 
Offline
Heavyweight
User avatar

Joined: Fri Apr 18, 2008 3:12 pm
Posts: 16983
Pagtalaga kay Padaca sa Comelec, pinanindigan ng Palasyo
October 3, 2012 8:29pm
58 0 0 58
Sa kabila ng nakabinbing kasong katiwalian, pinanindigan ng Malacañang ang desisyon nitong italaga si dating Isabela governor Grace Padaca bilang commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

“Naniniwala kami [na] hindi maapektuhan [ng mga kaso] ang kanyang capability," ayon kay presidential spokesperson Edwin Lacierda sa isang briefing nitong Miyerkules.

“We can very well assure the public that Grace Padaca is a woman of integrity, she will uphold and be fair to all concerned and she will apply election laws in a fair and judicious manner," dagdag niya.

Hinirang ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino si Padaca sa kabila ng kasong graft na kinakaharap nito sa Sandiganbayan.

Inakusahan si Padaca ng pagbibigay ng "undue advantage" sa EDWINLFI, ang non-governmental organization na inatasang pamunuan ang credit facility ng mga rice farmer sa Isabela.

Sa ilalim ng hybrid seed distribution program, nabigyan ng P25 milyon ang NGO, na bahagi sa loan ng lokal na pamahalaan sa Development Bank of the Philippines.

Ayon sa mga tagasuporta ni Padaca – kabilang na sina Sens. Francis Pangilinan at Teofisto Guingona – sinasabotahe lamang si Padaca ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

Inamin naman ni Padaca na hindi pa siya naghahain ng piyansa bilang protesta umano sa kanyang kaso. Ngunit maaari umano niya gawin ngayon dahil sa paghirang sa kanya sa poll body.

“For four months now, I’ve had an overnight bag in the car, ready to be arrested anytime. I planned not to voluntarily post bail as my way of protesting the process by which the case was decided upon and the warrant of arrest issued," pahayag ni Padaca sa isang text message sa GMA News Online.

“Things may have to change now and I may need to post bail and let the judicial process take its course," dagdag niya.

Kinumpirma naman ng isang tauhan ng Sandiganbayan sa GMA News Online na hindi pa nakapaghahain ng P70,000 na piyansa si Padaca sa dalawang kasong kanyang ikinahaharap sa anti-graft court.

Mayroon ding lumabas na mga ulat na nagsasabing sinuspinde ng anti-graft court ang warrant of arrest kay Padaca.

“I just heard from a report on TV that the Sandiganbayan has suspended the warrant of arrest. I’m not sure if that’s correct," ayon kay Lacierda.

“My understanding is that Commissioner Grace Padaca has a standing warrant of arrest, she’s aware of that and that’s why she has an overnight bag with her everyday," patuloy niya.

Legal na usapin

Noong Martes, inihayag ni Comelec chairman Sixto Brillantes Jr. na maaaring magkaroon ng legal na usapin ang paghirang kay Padaca dahil ipinagbabawal sa Konstitusyon ang pagbibigay ng posisyon sa poll body sa mga natalo sa nagdaang eleksyon.

Nakasaad sa Article IX-C ng 1987 Constitution na, "there shall be a Commission on Elections composed of a Chairman and six Commissioners who... must not have been candidates for any elective positions in the immediately preceding elections."

Noong 2010 elections, tumakbong gobernador sa Isabela para sana sa kanyang ikalawang termino si Padaca, miyembro ng Liberal Party, ngunit natalo sa dating kongresista na si Bojie Dy.

Iginiit ni Lacierda na wala umanong iregularidad sa naganap sa paghirang.

“Ang sabi lang [sa] Saligang Batas po, ‘in the immediately preceding election.’ That particular provision does not qualify kung ano pong klasing election pero klaro po sa atin na it was the last preceding election and therefore, based on our reading of the Constitution she was not a candidate for the [Oct. 2010] barangay elections," paliwanag niya.

"The law does not... the Constitution does not say it should be a national election. The immediately preceding election should be a national election so where the law does not distinguish, we should not distinguish," dagdag ni Lacierda.

Bilang Isabela gobernor, aktibong nangampanya si Padaca, 2008 Ramon Magsaysay awardee, laban sa ilegal na pagtotroso sa pamamagitan ng pagbubuo ng anti-illegal logging task force bilang sagot sa mga reklamo ng mamamayan at mga grupo sa probinsya.

Noong Disyembre 5, 2007, personal na ginawaran ni dating US Ambassador to Manila Kristie Kenney si Padaca ng prestihiyosong International Women of Courage Award – parangal na iginawad din kay dating US Secretary of State Condoleezza Rice.

Ibinigay ito kay Padaca dahil sa kanyang patuloy na pagtulong sa pagpapaunlad ng Isabela matapos ang kanyang pagiging broadcast journalist.

Maliban nito, ginawaran din si Padaca ng Benigno S. Aquino, Jr. Fellowships for Professional Development na parangal noong 2006, at ang First CEO Excel Awards noong 2005.

Noong Hulyo 2008, binuo ni Padaca ang Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership kasama nina noong-Pampanga Governor Eddie Panlilio at noong-Naga City Mayor Jesse Robredo.

http://www.gmanetwork.com/news/story/27 ... ng-palasyo
__________________________________________


Ang gantimpala sa pag-iyak niya during the impeachment of cj corona.
:biglaugh:

Teka may pending na warrant of arrest si padaca inappoint pa? Tengene yen

:biglaugh:


Top
 Profile  
 
PostPosted: Thu Oct 04, 2012 9:11 am 
Offline
Light Heavyweight
User avatar

Joined: Fri Aug 31, 2012 7:29 am
Posts: 1494
Tuwid na daan nga, lahat ng tuwid kay noynoy iuupo :lol:


Top
 Profile  
 
Display posts from previous:  Sort by  
Post new topic Reply to topic  [ 2 posts ] 

All times are UTC + 8 hours


Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 3 guests


You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot post attachments in this forum

Search for:
Jump to:  

philboxing.com | pinoygreats.com
Powered by phpBB® Forum Software © phpBB Group