EXCLUSIVE: MOCHA USON QUITS POST

NEWLY SWORN-IN assistant secretary of the Presidential Communications Operations Office (PCOO) Mocha Uson has resigned. This, after thinking Filipinos hit the appointment of the Duterte propagandist and fake news promoter to a Cabinet-level post.
Here is a copy of Mocha Uson’s resignation letter submitted to the Office of the President:
May 9, 2017
HON. RODRIGO ROA DUTERTE
President, Philippines
Malacañyang Palace
Tatay Digong,
Nagpapasalamat po ako sa inyong tiwala sa akin. Nakakatuwang isipin na lumabas ang aking appointment paper ngayong May 9, 2017 – eksakto isang taon mula nang iboto namin kayo bilang PRESIDENTE ng ating bansa. Gusto ko pong maiyak. Grabe po ang pagbibigay n’yo ng importansya sa akin.
Pero katulad ng aking inaasahan, umatake na naman ang mga dilawan, ang mga yellowtard, ang mga Liberal, ang mayayabang na taga-UP at -Ateneo, ang bias at bayarang media pati na rin ang mga inggitero at inggitera. Hindi sila tumigil hangga’t hindi ako nagti-trend sa Twitter. Wala na silang ginawa kundi ako’y siraan. Sa totoo lang, wala akong hininging puwesto sa ‘yo Tatay Digong, alam mo po ‘yan. Ni singko ay wala po akong inasam kapalit ng pagtulong ko sa iyong mga programa.
Siguro ay nalimutan ng mga ‘yan ang pangako mo noong kampanya: ang magbigay ng trabaho sa maraming Pilipino. Pilipino din naman ako ‘di ba? Masama ba kung bigyan mo ako ng trabaho sa MTRCB? Masama ba kung bigyan mo ako ng trabaho sa PCOO? Tinutupad mo lang po ang pangako mo. Ikaw lang ang presidenteng tumupad sa pangako.
Ngunit sobra na po talaga ang mga dilawan at inggiterong ‘yan. Gagawin nila ang lahat upang ako ay mapabagsak. Tatay Digong, gusto kong magpakita ng pruweba ng pang-aapi nila sa akin. Narito ang ilang comments na nabasa ko sa Facebook:

Kesyo inappoint ako… barangay hall agad? Si idol Manny nga nasa senado. So ano na lang ‘yun, barangay tanod outpost?

Wala pong kumukulam sa Pilipinas. Ramdam na ramdam lang talaga natin ngayon ang pagbabago.

Hoy Poteet! Akala mo ba masasaktan ako sa mga sinabi mo? HINDI ‘NO! Loud lang ang naintindihan ko, tanga!

Anong MUCHA? I’m sure nagkukunwari ka lang na kakampi at Ka-DDS pero dilawan ka talaga!

Tanga! Wrong spelling ka. Dapat ‘Such a shaim! Shaim Shaim!’

Anong “insulto sa katalinuhan ng bawat Pilipino?” Tanga ka ba! Kung matalino talaga kayo, eh ‘di wala kami sa puwesto hahahaha fucker!

Huwag mo naman akong i-judge. Hindi ko kailangan ang Civil Service para makapag-service! Sorry. I mean, makapag-serve!

‘Wag kang magbiro ng ganyan. Ayaw ni Honeylet hihihihi

Snong luka-luka? Si Ma’am Gina? Puta ka. Wag ganun.

Sinong maysabi sa ‘yong haharapin ko sila? No way. Hindi ko sila ka-level! #bias #bayaran
And lastly,

This is slut-shaiming. Anong kinalaman ng pepe ko sa paglilingkod ko sa bayan? Matapos kang mag-enjoy noon, ganyan pa ang igaganti mo ngayon? Wala kang utang na loob!
TATAY DIGONG, ilan lang po ‘yan sa mga dahilan kung bakit umabot ako sa mabigat na desisyong ito:
I resigns resigned resigning. Nagbibitiw na po ako sa puwesto.
Nadadamay po kayo sa mga batikos sa akin. Hindi ko na po kaya. Ako na po ang kusang aalis para matahimik na ang mga inggitero’t inggitera.
Pero hindi naman po irrevokeable irrevocabogable irrevoiceable hindi naman po final ang resignation ko. Puwede pa po n’yo akong pigilang umalis. Please po. Try n’yo lang.
Sa mga Ka-DDS, salamat sa walang sawa n’yong suporta. Huwag po kayong bibitiw. Suportahan po natin ang pagbabago sa ilalim ng gobyerno ni Tatay Digong. Limang taon pa po tayong magsasama-sama. At kung susuwertehin, baka higit pa. Kapit lang.
Mabuhay si Tatay Digong. Mabuhay ang mahal nating Pilipinas!
#mamataykayosainggitdilawan
#AkoNaTalaga!
#obosen
#ImpeachLeni
#BiasMedia
#JaDineWalangProject
#IBeIieveICanFly
At your service,
MOCHA USON
Civil Service Exam Grade: 263%
https://professionalheckler.com/2017/05/10/exclusive-mocha-uson-quits-post/
