Pacland's Philippine Boxing Forum

Discussion on boxing and other sports, Filipino greats and anything under the sun.
It is currently Thu Oct 24, 2019 12:03 pm

All times are UTC + 8 hours




Post new topic Reply to topic  [ 1406 posts ]  Go to page 1, 2, 3, 4, 5 ... 94  Next
Author Message
 Post subject: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 4:59 am 
Offline
Heavyweight
User avatar

Joined: Thu Jan 04, 2007 1:47 am
Posts: 21636
Location: Al Khobar KSA
Etiquette sa Inuman - basahin at matuto

Sa Inuman:

1. Pag abot ng baso- 3 minutes ang pinakamatagal na pag hintay. Mag bigay ng konsiderasyon sa mga ibang umiinom- sundin ang gintong
kasabihan "Dibale ng magtagal sa s*s* wag lang sa baso"
2. Pag tapos tumagay - ibalik sa tanggero ang baso- tinagayan ka na, baka naman pedeng ibalik mo sa kanya. hindi ka prinsipe.
3. Ang chaser ay panawid lasa- hindi panawid uhaw. dun ka sa gripo lumaklak kung kakatapos mo lang mag gym.
4. Iwasan ang magtapon ng alak. binabayaran yan. Di ka pa nga ata nag ambag...aaksayahin mo pa..tigas ng mukha mo tlga ever...hehe...
5. Siguraduhing magaambag ka sa inuman- tigas mo naman kung makiki-inom ka ng libre- pede ka lang malibre kung nilibre ka nila o niyaya
ka kahit sabi mong wala kang pera

Sa Pulutuan:

1. Una sa lahat, ang pulutan ay panawid pait, hindi panawid gutom- kumain ka sa inyo kung gutom ka. wag kang kung-fu kid! haha
2. Pag ginagamitang tinidor, huwag mong kakamayin- para kang walang pinag aralan.
3. Pagkain ng isda, hindi binabaliktad- sabi nila sa mga marino galing ang istilo na to para hindi tumaob ang barko.
4. Huwag mag reklamo kung ano ang nakahain. tandaan hindi to fiesta, inuman to.
5. Ang tinik,buto at mga parteng hindi makakain ilagay sa tabi- huwag kang baboy.

6. Kung hindi ka tanggero, guitarista at birthday boy/girl- pede kang magluto at tumulong sa iba pang gawain sa inuman. hindi ka pinanganak
na senyorito, kung pakiramdam mo hari ka- dun ka sa kaharian mo maginom

Asal sa Mesa :

1. Kung isa lang ang tinidor, huwag mag inarte- Koboy dapat. inuman to- hindi sosyalan,
2. Sa kuwentuhan, alam na namin na kayo ang pinaka-siga, maraming chicks, mayaman, maporma at pinaka magaling sa lahat ng bagay. Huwag mo ng ikuwento.
3. Pagbisita ka, makitawa sa mga joke nila- makihalubilo, aalukin ka nila ng ilang beses pero huwag mong abusuhin- hindi ka sanggol.
4. Huwag rin masyadong pasikat- ok lang magkuwento pag dayo ka- huwag ka lang kupal.
5. Huwag na huwag mambabara kung bisita ka. Pede lang mambara kung kupal ang binara.
6. Irespeto ang opinyon ng iba, tulad ng pagrespeto mo sayo.
7. Pag hindi na kaya- pwedeng pumas- huwag maging pasikat - kupal ang dating mo non.
8. Magpatawa ka para masaya- kung mang aasar ka sa tropa sigraduhin nakakatawa, hindi panlalait. Konsiderasyon sa bisita. Ang pagiging siga ay hindi masaya sa inuman.
9. Huwag makipag sabayan. Buraot ang alagaing lasing.
10. Bigyan ng pugay ang nagpainom at may birthday - wag kang agaw eksena.
11. Goodtimes lagi.

After ng Inuman:

1. Ugaliing tumulong magligpit.
2. Kung di na kaya humiga sa isang tabi
3. Kung di tumutulong magligpit - huwag makulit.
4. Huwag kalimutan magpaalam sa nag painom at mga kainuman.
5. Kung aalis sa kalagitnaan ng inuman, gawing habit ang magiwan ng pangambag.

Suka Tips:

1. Pag naduduwal na, kumuha ng matamis para may pangsabay sa bibig pag naglalaway na.
2. Huwag magyoyosi pagnasusuka na, iba ang epekto ng usok sa tyan pag nakainom.
3. Pag nakakaramdam na ng suka, tumayo agad at dumiretso sa pinakamalapit na sukahan- (banyo, inodoro.)
4. Magmumog lagi pagkatapos sumuka- kadiri bibig mo brad.
5. At kung plano pang bumalik sa mesa- siguraduhing malinis ang itsura. Para di ka itaboy.

Tanggero Tips:

1. Bilang punong naatasan sa pag pasa ng tagay, siguraduhing kumpleto ka ng gamit tulad ng: tabo ng tubig (pangbanlaw ng baso pag beer ang iniinom) pambukas, at lighter.
2. Ang obligasyon mo ay ipasa ang tagay sa lahat ng manginginom, mga nagambag - alukin ang lahat ng bisita.

Sa Mga Manginginom:

1.Pakunsuwelo sa mga nagpainom at tanggero, alalayan sila tulad ng pag replenish ng yelo, pulutan, pagbili ng pulutan at pagpapalit ng music kung walang nakaatasang dj.
2. Ipanatiling masaya ang inuman, makinig sa sasabihin ng iba kung drama, at mag saya para makalimot sa problema-

Mabuhay ang mga manginginom! !!

Baka me maibahagi pa kayo....

TAGAY NA!!!!! :)


Top
 Profile  
 
 Post subject: Re: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 5:12 am 
Offline
Heavyweight

Joined: Fri Sep 28, 2007 12:13 am
Posts: 8493
Location: Skagen, Denmark
Ano Peyborit Nyong Inumin Mga Bros? :)


Top
 Profile  
 
 Post subject: Re: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 5:15 am 
Offline
Heavyweight
User avatar

Joined: Thu Jan 04, 2007 1:47 am
Posts: 21636
Location: Al Khobar KSA
nell wrote:
Ano Peyborit Nyong Inumin Mga Bros? :)



#1 CHOICE.................RED HORSE!!!!!

:D


Top
 Profile  
 
 Post subject: Re: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 5:28 am 
Offline
Heavyweight

Joined: Fri Sep 28, 2007 12:13 am
Posts: 8493
Location: Skagen, Denmark
Desert Fox wrote:
nell wrote:
Ano Peyborit Nyong Inumin Mga Bros? :)



#1 CHOICE.................RED HORSE!!!!!

:D



Beer ---- Red Horse ( Happy Horse ) :P
Hard ---- Grey Goose Vodka


Top
 Profile  
 
 Post subject: Re: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 5:38 am 
Offline
Heavyweight
User avatar

Joined: Mon Oct 01, 2007 8:03 am
Posts: 5054
Location: Pilipinas,Toronto
Mga Bakit sa Inuman

1.Bakit ung mga ibang nagpapaalam na iihi lang ay bigla na lang nawawala?

2.Bakit ung mga tahimik nagiging maingay at makulit sa inuman at ung mga madaldal lalong umiingay?

3.Bakit may mga taong umiiyak sa inuman?

4.Bakit maraming matatalino sa inuman? - lahat ng bagay alam
at nagiging inglesero

5.
6.
7.

:lol: :lol: :biglaugh:

_________________
It's a pity there isn't any vaccination against stupidity.


Top
 Profile  
 
 Post subject: Re: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 5:39 am 
Offline
Heavyweight
User avatar

Joined: Thu Jan 04, 2007 1:47 am
Posts: 21636
Location: Al Khobar KSA
magaling nga daw pangkontra sa lamig ang Vodka....peborit drinks ng mga Russians....

Sa Hard naman Brandy sa akin bro.......Especially Fundador...


Di manglalambot si JR at para siyang de Motor!!!!

joke... :lol:


Top
 Profile  
 
 Post subject: Re: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 5:42 am 
Offline
Heavyweight

Joined: Fri Sep 28, 2007 12:13 am
Posts: 8493
Location: Skagen, Denmark
Desert Fox wrote:
magaling nga daw pangkontra sa lamig ang Vodka....peborit drinks ng mga Russians....

Sa Hard naman Brandy sa akin bro.......Especially Fundador...


Di manglalambot si JR at para siyang de Motor!!!!

joke... :lol:


:lol:


Top
 Profile  
 
 Post subject: Re: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 5:42 am 
Offline
Heavyweight
User avatar

Joined: Thu Jan 04, 2007 1:47 am
Posts: 21636
Location: Al Khobar KSA
SieteSuerte wrote:
Mga Bakit sa Inuman

1.Bakit ung mga ibang nagpapaalam na iihi lang ay bigla na lang nawawala?

2.Bakit ung mga tahimik nagiging maingay at makulit sa inuman at ung mga madaldal lalong umiingay?

3.Bakit may mga taong umiiyak sa inuman?

4.Bakit maraming matatalino sa inuman? - lahat ng bagay alam
at nagiging inglesero

5. Kung makatingin sa babae parang hinuhubaran?
6.
7.

:lol: :lol: :biglaugh:


Gleng bro SS !!!!! Mukhang magandang topic ito tungkol sa inuman ahhh....


:lol:


Top
 Profile  
 
 Post subject: Re: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 5:43 am 
Offline
Heavyweight

Joined: Fri Sep 28, 2007 12:13 am
Posts: 8493
Location: Skagen, Denmark
SieteSuerte wrote:
Mga Bakit sa Inuman

1.Bakit ung mga ibang nagpapaalam na iihi lang ay bigla na lang nawawala?

2.Bakit ung mga tahimik nagiging maingay at makulit sa inuman at ung mga madaldal lalong umiingay?

3.Bakit may mga taong umiiyak sa inuman?

4.Bakit maraming matatalino sa inuman? - lahat ng bagay alam
at nagiging inglesero

5. Kung makatingin sa babae parang hinuhubaran?
6.Bakit Namumula Agad Yung Iba Isang Tagay Palang? :biglaugh:
7.

:lol: :lol: :biglaugh:


Top
 Profile  
 
 Post subject: Re: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 5:44 am 
Offline
Heavyweight
User avatar

Joined: Wed Jul 02, 2008 1:47 pm
Posts: 8693
Location: ירשלם ~*JUNGFRAU*~ awaiting for the thief in the night...***
.
silip lang, aabot sa page 1... :lol:

akala ko may pulutan eh :lol:

_________________
!שלים

"Pray for the peace of Jerusalem: “May they prosper who love you."(Psalms 122:6)

"I will bless those who bless you, And I will curse him who curses you; And in you all the families of the earth shall be blessed.” (Genesis 12:3)


Top
 Profile  
 
 Post subject: Re: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 5:49 am 
Offline
Heavyweight
User avatar

Joined: Mon Oct 01, 2007 8:03 am
Posts: 5054
Location: Pilipinas,Toronto
Desert Fox wrote:
SieteSuerte wrote:
Mga Bakit sa Inuman

1.Bakit ung mga ibang nagpapaalam na iihi lang ay bigla na lang nawawala?

2.Bakit ung mga tahimik nagiging maingay at makulit sa inuman at ung mga madaldal lalong umiingay?

3.Bakit may mga taong umiiyak sa inuman?

4.Bakit maraming matatalino sa inuman? - lahat ng bagay alam
at nagiging inglesero

5. Kung makatingin sa babae parang hinuhubaran?
6.
7.

:lol: :lol: :biglaugh:


Gleng bro SS !!!!! Mukhang magandang topic ito tungkol sa inuman ahhh....


:lol:


:lol: mahaba pa ang listahan

_________________
It's a pity there isn't any vaccination against stupidity.


Top
 Profile  
 
 Post subject: Re: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 5:52 am 
Offline
Heavyweight
User avatar

Joined: Thu Jan 04, 2007 1:47 am
Posts: 21636
Location: Al Khobar KSA
nell wrote:
Desert Fox wrote:
magaling nga daw pangkontra sa lamig ang Vodka....peborit drinks ng mga Russians....

Sa Hard naman Brandy sa akin bro.......Especially Fundador...


Di manglalambot si JR at para siyang de Motor!!!!

joke... :lol:


:lol:


Maikwento ko lang bro, Punta kami dati ng Dubai....inuman-inuman ng red label Johnny walker......Yung 2 sa tropa nagpakuha ng tig-isang babae.....Turkish...kagaganda at makikinis ang kutis..... :shock:

kanya kanya ng bitbit ng mga babes ang 2 matulis na ginoo sa mga kwarto nila sa Hotel......

Kaming mga naiwan, inom lang talaga kami...

after a while......dumating yung isang magpartner.....

nakasimangot yung babae.........tinanong namin kung bakit??????

Nagdadabog na nagsabing........ayaw daw tayuan yung kumuha sa kanya......

di namin kinantyawan yung tropa.....kasi sinabihan na namin na marami na nainom mong whiskey at 90% di siya tatayuan....doon lang siya naniwala...

Tama nga na kapag whiskey....medyo si Pai na lang itable mo....

Si Pai-hipo... :lol:

Me karugtong pa yan mga katagay!!!!! :o


Top
 Profile  
 
 Post subject: Re: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 5:54 am 
Offline
Heavyweight
User avatar

Joined: Thu Jan 04, 2007 1:47 am
Posts: 21636
Location: Al Khobar KSA
J`glOb3_tr3kk3r wrote:
.
silip lang, aabot sa page 1... :lol:

akala ko may pulutan eh :lol:



Psst, bakit puro longganisa inuupakan mo jan ha!!!!!

joke....

tagay na uy!!! :lol:


Top
 Profile  
 
 Post subject: Re: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 5:55 am 
Offline
Heavyweight

Joined: Fri Sep 28, 2007 12:13 am
Posts: 8493
Location: Skagen, Denmark
Desert Fox wrote:
nell wrote:
Desert Fox wrote:
magaling nga daw pangkontra sa lamig ang Vodka....peborit drinks ng mga Russians....

Sa Hard naman Brandy sa akin bro.......Especially Fundador...


Di manglalambot si JR at para siyang de Motor!!!!

joke... :lol:


:lol:


Maikwento ko lang bro, Punta kami dati ng Dubai....inuman-inuman ng red label Johnny walker......Yung 2 sa tropa nagpakuha ng tig-isang babae.....Turkish...kagaganda at makikinis ang kutis..... :shock:

kanya kanya ng bitbit ng mga babes ang 2 matulis na ginoo sa mga kwarto nila sa Hotel......

Kaming mga naiwan, inom lang talaga kami...

after a while......dumating yung isang magpartner.....

nakasimangot yung babae.........tinanong namin kung bakit??????

Nagdadabog na nagsabing........ayaw daw tayuan yung kumuha sa kanya......

di namin kinantyawan yung tropa.....kasi sinabihan na namin na marami na nainom mong whiskey at 90% di siya tatayuan....doon lang siya naniwala...

Tama nga na kapag whiskey....medyo si Pai na lang itable mo....

Si Pai-hipo... :lol:

Me karugtong pa yan mga katagay!!!!! :o



:banghead: :lol: Dpat Nag Redbull Muna Sya Bro! :lol:


Top
 Profile  
 
 Post subject: Re: INUMAN 101
PostPosted: Thu Oct 23, 2008 5:58 am 
Offline
Heavyweight
User avatar

Joined: Wed Jul 02, 2008 1:47 pm
Posts: 8693
Location: ירשלם ~*JUNGFRAU*~ awaiting for the thief in the night...***
.
alis na ako..
bigay ko nalang kay guard bellick este nell ang tagay ko.. :lol:

_________________
!שלים

"Pray for the peace of Jerusalem: “May they prosper who love you."(Psalms 122:6)

"I will bless those who bless you, And I will curse him who curses you; And in you all the families of the earth shall be blessed.” (Genesis 12:3)


Top
 Profile  
 
Display posts from previous:  Sort by  
Post new topic Reply to topic  [ 1406 posts ]  Go to page 1, 2, 3, 4, 5 ... 94  Next

All times are UTC + 8 hours


Who is online

Users browsing this forum: Google [Bot] and 2 guests


You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot post attachments in this forum

Search for:
Jump to:  

philboxing.com | pinoygreats.com
Powered by phpBB® Forum Software © phpBB Group