New Bilibid narcos join drug trade, frustrate PDEAAngel Movido, ABS-CBN News
Posted at Jan 12 2018 02:58 PM
MANILA- Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino on Friday expressed frustration over "new players" in the illegal drug trade.
This, after a drug bust in a condominium in Mandaluyong City yielded suspects who revealed that suppliers of narcotics are from the New Bilibid Prison.
"Marami pong new players. Imbes nababawasan, lalong lumalaki," Aquino said.The PDEA chief noted that Friday's drug bust is the fifth one where arrested suspects claim that illegal drug suppliers are from the national penitentiary.
"And nobody knows who are these people. Hindi namin kilala. Yun nga yung nakakafrustrate. Sabi ko nga kahit magkanda kuba yung mga pulis natin at mga ahente natin sa PDEA para anuhin ang isang barangay, kung tone-tonelada naman yung pumapasok useless eh," Aquino lamented.
(We don't know these suppliers. That's frustrating. As I said, even if policemen and PDEA agents break their backs to clear a village of drugs, if tons more come in then it's useless.)
Asked about a possible solution to the problem, Aquino suggested an overhaul in the system within the national penitentiary.
"Hindi ko alam eh. Ang nakikita ko lang solusyon is wasakin ang buong NBP. Ilipat yan sa isang ideal facility," he said.(I don't know but the only solution I see is to destroy the whole NBP and transfer it to an indeal facility.)
Aquino's comments come amid the Philippine National Police's looming return to the government's campaign against illegal drugs.
The PDEA chief welcomed the news, admitting that his 3,000-strong agency is having difficulty taking on the problem of drugs on their own.
"Natutuwa ako na bumalik ang PNP kasi admittedly, nahihirapan kami sa barangay wala kaming tao dyan. And its good that they're back to the campaign [against] illegal drugs," he said.
(I am happy that the PNP is back because admittedly, we are having difficulties in villages since we have no personnel there.)
The PDEA was given the lead role in the government's anti-narcotics campaign on orders of President Rodrigo Duterte.
The directive came amid mounting criticism faced by the PNP over alleged abuses and suspicious killings in the drug war, including controversial teen deaths.
http://news.abs-cbn.com/news/01/12/18/new-bilibid-narcos-join-drug-trade-frustrate-pdeaGuwardiya ng Bilibid, arestado dahil sa droga sa briefABS-CBN News
Posted at Aug 03 2017 06:11 PM | Updated as of Aug 04 2017 12:08 AM
[YouTube]http://youtu.be/zKMWckRbsYI[/YouTube]
Arestado ang isang prison guard ng New Bilibid Prisons (NBP) matapos makuhanan ng hindi bababa sa 100 gramo ng hinihinalang shabu nitong Huwebes ng umaga.
Inaresto ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) ang prison guard na si Ernesto Dionglay Jr. matapos madiskubre sa loob ng kanyang brief ang hinihinalang shabu habang dumaraan sa employee entrance ng Bilibid.
Aminado si Dionglay na alam niyang may kontrabando sa mga piitan pero hindi umano niya alam kung paano nakakapasok ang mga ito sa loob ng Bilibid.Itinanggi rin ni Dionglay na gumagamit siya ng droga.
Kuwento ng miyembro ng SAF na nakadiskubre ng droga, nag-iba ang kilos ni Dionglay nang makapa niya ang tila plastic mula rito.
Nagkakahalagang P500,000 ang hindi bababa sa 100 gramo ng shabu na nakuha mula sa naturang prison guard.Pero ayon sa PNP, maaring maging triple pa ang halaga nito kapag binenta na sa mga preso.
Mabilis namang dumating sa tanggapan ang misis ni Dionglay na buntis pa sa kanilang pang-apat na anak. Pero tikom ang bibig nito sa kinasasangkutan ng mister.
Pansamantalang nakadetine ang nasabing prison guard sa Muntinlupa na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.
Ayon sa Deparment of Justice, hindi nila kinukunsinti ang mga maling gawain ng kanilang mga tauhan at dapat lang na parusahan ang sinumang gumawa ng pagkakamali.
Dagdag pa ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, iniutos na niya sa NBP na tutukang mabuti ang kaso ni Dionglay, imbestigahan ito, at sampahan ng kaukulang kaso.
Ayon naman kay Senior Superintendent Dante Novicio, chief of police sa Muntinlupa, may mga paraan ang PNP para masigurong hindi masangkot sa katiwalian ang kanilang mga tauhan.
Pinapalitan anila ang mga PNP-SAF na nakatalaga sa Bilibid para maiwasang magkaroon ng 'familiarity'.
Kamakailan lamang ay nakasabat ng mga kontrabando gaya ng shabu at patalim nang magsagawa ng Oplan Galugad ang mga awtoridad sa New Bilibid Prison.
http://news.abs-cbn.com/news/08/03/17/guwardiya-ng-bilibid-arestado-dahil-sa-droga-sa-briefdedma sa amin ito.